Monday, December 5, 2011

December: Pasko Na Naman!

by eturo


December na naman. Meaning ito na ang buwang pinakaantay ng lahat hindi lang dito sa Pilipanas kundi sa buong mundo dahil ito ang buwan kung saan nating ipinagdiriwang ang kaarawan ng ating Panginoong Hesus. Ito ang buwan kung saan lahat ng pamilya sa buong mundo ay magsasama-sama upang gunitain ang pagdating ng Tagapagligatas ng sangkatauhan. Ito ang panahon kung saan ang lahat ay magsasaya, magbibigayan, magkakaisa, at higit sa lahat ay espiritu ng pagmamahalan bawat nilalang sa mundong ito. At kaya nga pagsapit ng ika-25 ng buwang ito, lahat ay nagsasaya dahil sa Kanya.

Dito sa bansa nating Pilipinas, pagsapit palang ng ber-months simula sa buwang September, marami na sa atin ang bumabati sa atin ng "Merry Christmas", "Maligayang Pasko" or kahit sa ano pang istilo ng pagbati natin. Ito ang kultura nating mga Pilipino na kailaman ay di nating kayang baguhin. Ni hindi pa nga natatapos ang "All Saints Day" or "All Souls Day" para sa paggunita natin sa mga mahal natin sa buhay na yumao na pero karamihan sa atin, inuuna na natin ang paglalagay ng mga Christmas decorations sa mga bahay-bahay natin. Marami na sa atin ang naglalagay ng mga Christmas decorations tulad ng mga parol sa mga bintana at pinto ng ating mga bahay. May mga naglalagay na rin ng mga Christmas Tree sa loob ng bahay. Nagsasabit ng mga Christmas lights, si Santa Claus at si Rudolph the Red Nose Reindeer, at kung anu-ano pang bagay na nilalagay nating bilang simbolo sa Christmas. (Kung meron pa sanang snow dito sa Pilipinas, siguro nga naglalakihang Snowman ang ilalagay natin sa harapan ng bahay.)

Lalo na ring lumalamig ang simoy ng hangin, hudyat lamang ito na talagang Pasko (Christmas) na sa atin. May mga bata na ring nagsisimulang mag-ingay sa gabi dahil sa pangangaroling. Marami na ring nagsisiuwian na kamag-anak natin papunta sa mga probinsya or lumuluwas papunta sa mga lungsod. Marami na ring mga Pinoy at Pinay in abroad na simulang magbaksayon na umuwi dito sa Pilipinas at dito nila gugunitain ang Pasko. Sabi nga nila, ang Pasko dito sa ating bansang Pilipinas ang pinakamsaya sa buong nundo. Kaya nga, marami sa mga kababayan natin sa abroad ang nauulila sa kanilang mga pamilya sa pagcecelebrate ng Christmas dito sa atin siguro dahil kailangan nilang mag-stay sa kanilang mga trabaho.

Ang Pasko ay isa sa mga pinakamasayang event we celebrate in the whole year round. This is the time kung saan ang lahat ng pamilya ay nagkakaisa at nagmamahalan. Ito ang tunay na espiritu at diwa ng Pasko. Pero sana ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi lang sa 25th day of December natin ipakita pero sana gawin natin ito araw-araw at sa buong taon.

So, how many days more to go? Oo nga pala, wag na wag kakalimutan anga mga regalo natin. Sabi nga nila, "The more you give, the more you receive..."

Like Us on Facebook

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...