Wednesday, January 11, 2012

Joke Time: Ang Huling Paalam (Mi Ultimo Adios)

The following joke is rated PG. Parental Guidance is not adviced. Dahil ang isang ito ay para sa lahat. Pawang i-rerepost ko lang! Galing lang ito sa isang taong mahilig gumawa ng patamang joke. (Bato bato sa langit, ang matatamaan siyempre magkakaroon ng BUKOL...hehe)
Ang mag-asawang FGMA (First Gentleman Mike Arroyo) at FPGMA (Former President Gloraia Macapagal-Arroyo) ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga huling habilin...



FPGMA: Darling. kung mamamatay man ako, gusto ko hindi R.I.P ang nakasulat ha?

FGMA: Bakit naman? Pede ba yun darling... So, ano gusto mo?

FPGMA: Gusto kong ilagay mo, JESUS...

FGMA: Ano na naman bang gimik yan, darling? Ano ba meron sa JESUS?

FPGMA: Eh di, Joseph Estrada See yoU Soon! Oh di ba ang astig?

FGMA: Grabe ka naman darling, 3 Kings palang ngayon. Huwag naman ganyan. I will suggest na mas ok darling kung BAYAN ang isusulat natin?

FPGMA: Ano naman ibig sabihin nun darling?
FGMA: Ano pa nga ba, eh di Benigno Aquino You Are Next!

FPGMA: ngek!


(natawa ako dito) Tayong mga Filipino talaga mahilig gumawa sa mga ganitong klaseng jokes kahit na nasa gitna tayo ng kahirapan at mga problema. Siguro, ayos na rin ito para naman kahit papaano maibsan or mabawasan konti yung ating mga dinaranas dito sa bansa natin. At tsaka, ok lang itong mga ganitong banat, dahil sila-sila rin naman ang minsang dahilan or major major dahilan kung bakit tayo naghihirap ngayon. Sila ang nag-aaway dahil na rin sa kapangyarihan sa politics, pero kahit wala tayo sa pulitika, tayong mga ordinaryong tao at simple ang pamumuhay ay nadadamay. Kelan kaya mawawala......(period)

Photo courtesy from: http://gmaresign.blogspot.com/

Like Us on Facebook

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...